Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2016

Nagsara Na Ang Talukap sa Mga Mata ni Lolo Pedring

Nangyari ito nung bata pa si Jose. Noong sila ay nabibilang sa matataas na pamilya sa Nayon ng Malusak. Sila ay dating kilala bilang pinakamayaman sa kanilang lugar ngunit nagbago ito. Masagana sana silang namumuhay sa kanilang nayon kasama ng kanyang inang si Josefina at mga nakakatandang kapatid na sina Juan na panganay at Nene ang pangalawa samantalang si Jose ang bunso. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang malaking pabrika sa  kanilang nayon. Ito ay pabrika ng kanyang amang si Pedring at nagbigay ng kabuhayan sa kanilang mga ka nayon. Ang pabrikang ito ay pinanggagalingan ng mga papel, plastic  at tela. Ngunit itong pabrikang ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto sa kapaligaran at kalusugan ng nakakarami. Marami ang nagrereklamo kay Lolo Pedring ngunit para lang pipi't bulag at bingi sya sa mga samo ng kanyang mga kanayon. Dumadami at lumalaki ang produksyon ng kanyang pabrika at dumadami din ang mga nagtatrabaho dito kaakibat din nito ang pagdami ng mga taong nagkaka