Skip to main content

Nagsara Na Ang Talukap sa Mga Mata ni Lolo Pedring

Nangyari ito nung bata pa si Jose. Noong sila ay nabibilang sa matataas na pamilya sa Nayon ng Malusak. Sila ay dating kilala bilang pinakamayaman sa kanilang lugar ngunit nagbago ito. Masagana sana silang namumuhay sa kanilang nayon kasama ng kanyang inang si Josefina at mga nakakatandang kapatid na sina Juan na panganay at Nene ang pangalawa samantalang si Jose ang bunso. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang malaking pabrika sa  kanilang nayon. Ito ay pabrika ng kanyang amang si Pedring at nagbigay ng kabuhayan sa kanilang mga ka nayon. Ang pabrikang ito ay pinanggagalingan ng mga papel, plastic  at tela.

Ngunit itong pabrikang ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto sa kapaligaran at kalusugan ng nakakarami. Marami ang nagrereklamo kay Lolo Pedring ngunit para lang pipi't bulag at bingi sya sa mga samo ng kanyang mga kanayon. Dumadami at lumalaki ang produksyon ng kanyang pabrika at dumadami din ang mga nagtatrabaho dito kaakibat din nito ang pagdami ng mga taong nagkakasakit.

Patuloy ang pag-itim ng mga ilog, pagdumi ng hangin pati na rin ang budhi ni Lolo Pedring. Para sa kanya basta kumikita ang kanyang kabuhayan at madami may trabaho ay ayos lang subalit kabaligtaran ito ng tunay na nangyayari sa kanyang paligid.

Isang dapit hapon, may isang di inaaasahang pangyayari ang naganap. Ito ay lalong ikinagalit ng mga taga nayon. Lubos silang nahapis at lalong namuhi kay Lolo Pedring. Ang pangyayaring ito ang nagbago ng buhay niya. Sa hapong iyon, naglalakad si Maria sa may ilog kung saan malapit ang mga pabrika ni Lolo Pedring at nagbubuga ng nakaitim na usok na may halong asupre, isang iskolar ng bayan at kandidato sa pagka"valedictorian" sa kanilang paaralan. Nakatanggap din siya ng parangal mula sa Gobernador ng lalawigan. Siya ang inaaasahan ng nayon na magbibigay dangal ngunit nangyari ang di dapat mangyari. Nakalanghap si Maria ng usok mula sa pabrika na naging dahilan nang pagkawala ng kanyang malay. Nagkaroon siya ng matinding karamdaman dahil sa kemikal na nalanghap nya sa usok ng pabrika na ikinamatay nya.

Lubos na nagdamdam ang mga taga nayon. Nagalit at nagpupuyos. Kinausap muli siya ng buong nayon na itigil na at isara ang mga pabrika. Subalit, parang manhid na hindi nakinig si Lolo Pedring. Pinagpatuloy nya parin ang produksyon ng kanyang pabrika kahit pa ang asawa na nya mismo ang kumausap sa kanya.

Umabot sa puntong pati ang asawa nya ay nagkasakit at namatay dulot ng nakakalasong hangin sa paligid dahil sa pabrika. Sa nangyaring ito iniwan siya ng kanyang mga anak at isinumpang di patatawarin ang kanilang ama. Lubos na nasadlak sa pagsisisi ang matanda na idinaan nya sa pambababae, at pagsusugal. Umabot sa puntong naisanla nya ang kanyang mga ariarian pati ang bahay na pinundar nilang mag asawa ay naibenta nya. Nalulong sa masamang bisyo si Lolo Pedring. Nawala sa kanya ang lahat. Ang bahay nya, asawa at mga anak ay nawala sa kanya.

Nagpalakad lakad siya sa kawalan. Naging palaboy at walang matirhan. Sumisilong siya sa isang terminal ng mga pedicab sa kabilang baryo. Naging tahanan nya ang kanto ng Baryo Patawad.

Isang araw, habang siya ay namamalimos, sumasamo sa mga taong nagdaraan para pagbigyan siya ng limos, sa kanyang malabong paningin nahagip ng isang tao ang kanyang atensyon. Nakita nyang dumaan sa kanyang kinakanlungan ang bunso nyang anak na si Jose. Sumigaw sya, tinatawag nya ito. JOSE, Jose!!!. Subalit parang bingi si Jose at di sya narinig. Tiningnan sya nito saglit pero parang di sya kilala. Jose, Jose, patuloy nyang pagsamo kahit pa paos na ang kanyang boses dahil sa sakitng kanyang pagluha pero di parin sya pinansin ng kanyang anak.

Kinagabihan, pag-uwi ni Jose sa tinutuluyan nilang bahay na magkakapatid sinabi nyang nakita nya ang kanilang ama sa may kanto ng Baryo Patawad, payat at mukhang may sakit. Napagpasyahan ng magkakapatid na bumalik sa lugar kung nasaan ang kanilang ama. Subalit, nung gabi ding iyon sa kinaroroonan ni Lolo Pedrong mayroong digmaang nagaganap. Nagtatalo ang kamatayan at buhay sa mga oras na yun. Tumatangis si Lolo Pedring. Humihingi nang karapatan sa mga anak kahit pa hindi nila ito naririnig. Umiiyak. Lumuluha at kanyang sinabi,"mga anak patawarin nyo ko sa aking mga nagawa. Nang dahil sa akin namatay ang inyong ina at nawala ang ating kabuhayan. Patawad mga anak." Hanggang nagsara na ang mga talukap sa mata ni Lolo Pedring.

Kinabukasan pagdating ng kanyang mga anak, huli na ang lahat. Lubos silang nanangis at nagsisi nang may nakapagsabi namayapa na ang matandang nakatira sa kantong iyon na syang ama nila na si Lolo Pedring. Nanghihinayang ang  magkakapatid na namatay ang ama nila na hindi man lang naririnig mula sa kanilang bibig ang kapatawarang inaasam nito.

#pagpapatawad #hulina #pagsisi

DREJr 2009

Comments

Popular posts from this blog

Blind Date?

Blind date? What is that? It has been my question since then.  Well, I was just so innocent before yet now I know that blind date is something we do to look for true love. However most of the blind dates I know now are made for a romantic thingy. My only question is, "so this blind date, it is only made for people."? I believe that it is not just made for people to find love for each other but also to have a date with a book where we can find love from the Father. It has been said that love has a lot of meaning yet no one can sincerely define it. Yes, indeed we have a lot of things in our mind so we try defining love yet those are just the descriptions of how we feel when we are in love or heart broken. Yet, I may say that we can also find love inside a book. Yes, that's right. Since that we are looking for love, OMFLIT bookstore in SM Pampanga held an event called Blind Date with a Book. Well, who says that blind date is just for searching a partner or we often say a...

Lost

There are times I keep on questioning myself on why am I here? Why am I doing what I am doing? Is it that worthwhile to do the things I thought I am supposed to do or asked to do? These are the questions running in my head now. I may know the answer before but now it is starting to vague. I am starting to question my intention or the will which I am supposed to follow. It is sad that people thought I am that good where in fact I am not. They even thought that I maybe a super human which I am not. I am not okay. I always thought I have found my track but it seems the road I am heading is starting to fade. I have always thought that I have the best things in my life but right now they seem to be wrong. I have been asking why these things are happening. As to when these things will leave me. But no answer. Nothing at all. Am I drunk? Am I crazy? Have I totally lost my mind? Am I sick? Oh dude, I need help. I am drowning. I am sucking these flowers out of my head. I am petrified....

Grace - Not In The Head

Something has been roaming around my mind Questions, questions that keep on lighting up inside But the answers are not so plain in sight Thus wishing words may come in light. Thinking of the things that could reason out the "What" or the "Why" Huh! Thoughts are crashing over and are out of the line Still hoping that truth will come to bring peace and life So that the dead hope will come back in might I tried seeking a hand everywhere for a guide Even soaring up in the sky so high to glide While fixing the lenses to focus the eyes However failure knocked down everything in just one plight These efforts? Those works? All boiled down to die Did many on my own just to simply get burnt and tired Letting the joy in my heart be stricken and fired Rolling! Walking around, here and there without a paint of smile Denied help to live and survive so many times Fear, failures and doubt; Oh something I shrug and deny Although I know deep within I am hurting ...